Institute of Happy Thoughts by Rizza Mhay Dera
My rating: 4 of 5 stars
Institute of Happy Thoughts
Author: Rizza Mhay Dera
Pages:
Language: Tag-Lish
I started reading it February 22 until 27 so this came for my February reads. I am not really good in reading stories that got ‘happy endings’, I don’t know but I love it when characters die at the end of each novel or even in the middle of their journey.
This story is written in Filipino and by one of my co-writer from PNY. So, since this is written in Filipino, I am going to start reviewing it in Tagalog.
Nagustuhan ko kung paano nai-portray ang mga tauhan at hindi rin naman naging magulo ang mga eksena dahil hindi naman ganoon karami ang tauhan na ginamit. Si Denice, Kian, Ms. Anna, ‘yung kuya ni Denice at ate niya, pati na rin si Rita – at si Alex.
Maayos ang pagkaka-deliver ng mga salita. Iyon nga lang, may mga paragraphs na bigla na lamang mag-si-shift ang mga salita sa English na parang biglang natatabunan agad ‘yung thought ng Filipino sentences sa mga nauna kasi sobrang lalim ng hugot nung mga English sentences. Hindi naman ako against sa pagsulat ng Tag-Lish, iyon nga lang, parang nag-iiba lang ang mood ko kapag bigla ay nag-iiba ang tono ng mga salita dahil nagpapalit ng lenggwahe. Kadalasan, sa dialogue, puro English. Hindi masama, pero ‘wag sana sobra.
Nagustuhan ko ang pagkakabilang ng nobela sa category ng Fantasy. Kakaiba ang tema ng kwento at nagustuhan ko kung paano nilahad ng author ang simbolo ng mga pinto sa buhay nina Kian at Denice at kung paano nila mahahanap ang mga sarili nila sa lugar na hindi nila alam kung bakit may mga kakaibang bagay gaya ng Institute of Happy Thoughts. May mga pagkakataon lang na medyo nakulangan ako sa mga eksena – na parang nag-eexpect pa ako na mayroon pang mas higit doon pero hanggang doon lang pala (sa parteng iyon, masasabi kong maiimprove pa iyon ng author).
I liked the story, but not the ending lol. Siguro dahil I love tragic endings…
(view spoiler)[Nakulangan ako sa paglalahad ng sakit ni Kian. Napasabi pa ako ng, “Yun na ‘yun? Bakit parang di masyadong halata? Bakit parang kulang? Hindi ko alam kung ako lang ba, or nag-iinarte lang ako (sorry) dahil gusto ko medyo masakit talaga ‘yung climax kahit na hindi naman namatay si Kian. Saka, parang medyo kulang ‘yung part na nakaligtas si Kian dahil lang nagawang harapin ni Denice ang madilim na parte ng nakaraan niya. Medyo nakulangan ako kasi na-hype na ko doon sa may ganoong room tapos lalabas lang pala ay yung rapist ni Denice tapos biglang ganon lang ang magiging pagsubok niya. Ni hindi man lang dumugo ang mga kamay niya habang sine-save si Kian (sorry talaga haha medyo gore ako). But all in all, this novel is a good read. I still recommend it. This won’t get the first spot for nothing. Siguro, konting editing and dagdag pa ng emotions para mapaiyak ako. Hindi kasi talaga ako naiyak though na-hook pa rin ako. (hide spoiler)]
View all my reviews