Bakit Pagsusulat?

Heto na naman ako, nagsisimulang magsulat sa isang lugar kung saan hindi ko alam kung may mararating ba ako o wala? Kung may mapapala ba ako o mamumuti na lamang ang mga mata ko sa kakahintay sa oportunidad na minsan ay malathala ang mga naisulat ko sa isang pahina ng libro gaya ng palagi kong inaasam noong bata pa ako.

Pero heto ako, heto ako at muling nagsisimula sa wala.

Bakit nga ba pagsusulat?

Sa dinami-rami naman ng pwede kong gawin sa buhay ko, nagsasayang talaga ako ng oras para sa mga letrang hindi ko alam kung magkakaroon ba ng epekto sa buhay ng isang tao. Sa dinami-rami ng pwede kong pagkaabalahan ay naisipan ko pa talagang magsayang ng panahon para lang humarap sa blangkong document na ito at tumipa ng iba’t-ibang salita para lang mayroong maging laman ang blog na ito.

Bakit nga ba pagsusulat?

Bakit nga ba binabalik-balikan ko ang isang bagay na hindi naman ako magaling at wala naman akong nararating?

Bakit nga ba pagsusulat?

Gusto mo bang malaman?

Kung ganon ay abangan mo ang mga susunod kong isusulat. Para malaman mo ang dahilan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s