The Birth Of ‘Dying Hope’

But as I am in the middle of nowhere, I found myself staring at you…

I’ve been so idle for more than a year after self-publishing my first book. I am not a pro-writer. As a matter of fact, pinublished ko lang naman ang librong ‘Trapped With You’ dahil pin-ush talaga ako ng asawa ko na i-publish ‘yun. I actually don’t have plans on selling it to friends and other readers kasi feeling ko, hindi pa karapat-dapat ang kwentong iyon para ma-print into books. Pagkatapos noon, nag-li-low ako sa pagsusulat. Hindi ako gumamit ng Wattpad.

I got pregnant by January 2015 at lalo akong nawalan nang oras sa pagsusulat dahil tamad na tamad ako. Pakiramdam ko pa, parang wala namang creative juices na lumalabas sa utak ko. Buong taon akong walang naisulat na matino maski one-shot story. Hindi na rin ako nag-a-update sa Tumblr blog ko at palagi lang akong tulog. Something I hate when I got pregnant. When I gave birth last October 2015, nabuhay ulit ang dugo ko dahil marami akong nakikitang friends ko na nagiging successful na naman sa pagsusulat. I asked myself, “Bakit sila, kaya nila? Bakit ikaw, hindi?” and then I tried writing again – but somehow, I failed for the nth time. Hanggang sa… naglabas uli ng panibagong contest si Nayin at naglakas loob akong sumali. Sabi ko pa noon sa sarili ko, “Yaan na, manalo o matalo, ang mahalaga, makagawa ako ng kwento. Makatapos ako.”

Nagsimula akong magsulat ng plot na kagaya ng ‘Agape’ (if you’ve been a long time reader, alam mo kung alin ang story na ito), but I failed. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magawa pero parang wala ako lagi sa mood na magsulat. Mas gusto kong tumunganga or kumain lang. I know, I am lazy as hell but what should I do?

Binigyan kami ni Nayin ng isang buwan para masulat ang nobela na ‘yun pero inabot na ako ng 3 weeks ay wala pa rin akong naisusulat. Sabi ko, “Bahala na. Mukhang hindi na naman ako makakasali sa contest na ‘to. Ang purol ko na. Di na ko writer.”

Sa sobrang frustrated ko, hindi ko na alam ang gagawin ko. Dumarating ako sa punto na naiinis ako sa mga nakikita ko na nakakapagsulat sila at ako hindi. Minsan, kinaiinisan ko ‘yung mga nakikita ko sa news feed ko na nanalo sila sa writing contest samantalang ako, hindi ako makabuo kahit prologue. Imagine, even the prologue, hindi ko talaga magawa nang maayos. Hanggang sa kinausap na ako ng asawa ko at tinanong ako kung ano ba ang problema ko dahil parang ang lungkot ko. Sinabi kong wala akong pag-asang manalo sa contest kasi ni hindi nga ako makabuo ng kwento. Kahit yun man lang makabuo ako, hindi ko magawa. Pero sa halip na sabihin niyang sumuko na ako, sinabi niyang parang hindi raw ako ang Rhisa na nakilala niya noon. ‘Yung Rhisa na idol niya kasi magaling magsulat. ‘Yung Rhisa na kayang magsulat kahit na maraming problema. Sabi pa niya, “Matalo ka man sa contest na ‘yun, panalo ka pa rin para sa’kin. Ikaw pa rin ang ‘the best’. Ikaw pa rin ‘yung idol ko.”

Those words fueled me up. Nabuo si Hope at naging inspirasyon ko siya sa pagbuo kay Luke.

Sa loob ng apatnapu’t walong oras, naisulat ko ang Dying Hope. Bagay na ipinagmamalaki ko dahil unang beses ko nagawa ‘yun. Sa phone ko pa iyon isinulat at inilipat ko lang sya sa MS Word nang magpapasa na ko ng e-mail.

Hindi ko lubos akalain na makakatapos ako ng isang kwento at masusungkit pa ni Hope ang Best Character na award sa PNY Battle 2. Hindi ko rin akalain na magiging 3rd place sya dahil aminado naman akong ang gagaling ng mga kalaban ko.

Nagpapasalamat ako sa lahat ng na-inspire ni Hope. Salamat kasi kung wala kayo, wala rin sya.

Abangan niyo pa kung paano ko ipapakilala sa mga mambabasa si Hope.

Advertisements

26 comments

      1. iba pa yata yung webhosting…sa godaddy.com ata yun at iba pang website…talagang bumili lang ako ng domain sa wp he he…USD 2.99/month sya pero annual ang bayad..nasa USD 36 ata ang suma… komplikado kasi yung webhosting…magmimigrate ka pa ata ng mga posts mo dito sa wp…kaya ayoko pa ng ganun ha ha..gusto ko lang muna magka dotcom haha, maexperience ko lang ba hahaha ang babaw

        Like

      2. Nakakapag edit naman ng theme…pero hindi katulad pag hosting…saka personal plan lang yung sakin so sobrang limited pa din ng magagawa…ni wala nga din yung mga SEO keme at sariling email add..pang business plan pa pala yun haha

        Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s