Dying Hope Trivias [#1]

Sobrang daming nagtatanong sakin lately kung kailan sila makaka-order ng kopya ng Dying Hope. And my answer is ‘idk’. Sa totoo lang, hindi pa namin ito napag-uusapan ni Nayin pero hopefully talaga, next year. Wala pa lang exact date at ayoko naman magbigay ng date para lang matahimik yung mga naghihintay. It will be released in time. Kailangan lang natin maghintay. Hehe.

So, today, I’m going to share some trivias about Dying Hope.

May nagtanong sa akin dati kung saan ko raw nahugot ang mga characters ko. Sabi ko, sa mga tunay na tao. 

May isang element kasi sa battle ng PNY na kelangan kong mailagay ang isang alaala ko nung bata pa ako sa kwento. Yung alaala na yun, isa yun sa dahilan kung paano ako naging si Rhisa ngayon.

Sa sobrang dami kong experiences nung bata pa ako, hindi ko alam talaga kung ano ang ilalagay ko. Hanggang sa dumating ako sa punto na naisip ko ang plot ni Hope. Si Hope kasi, isa siyang writer. Feature writer siya sa isang magasin at sumusulat din siya ng kwento. Iyon nga lang, most of the time, horror stories. Hindi pa niya natry magkaron ng isang romance novel. Nang dumating sa punto na pinabunot sila ng themes for their new project, nabunot ni Hope ang Inspirational at Romance. Ang theme na alam niyang mahihirapan siya.

Naalala ko pa, that time, sabi ni Nayin, dapat daw yung memories ko noong bata pa ako magiging experience siya ng isa sa mga extra lang sa kwento. 

Sobrang hirap na hirap akong mag-isip kung sino ang extra na yun kaya nabuo ko si Jane. Honestly, kinuha ko si Jane sa kwentong sinusulat ni hubby – ang Memories of Jane. Balak ko kasing sumulat ng Filipino version noon kasi English yun. 

So ayun nga, nagkwento si Jane kung paano nareject ang research paper niya at kung paano siya napagbintangan na namunit ng encyclopedia. ‘Ya know, high school thing. That’s a real life story of mine. Masyadong brutal but yeah, it happened once. Gaya ng ibang normal na student na pasaway, naging bisita rin ako ng Guidance office at hinding-hindi ko malilimutan yun. 

Nang maipost ko ang Dying Hope at mabasa ng ilan sa mga naging kaklase ko dati, napa-“alam ko to!” pa sila. Haha. Natatawa na lang ako pag naaalala ko. 

So ayun, sobrang daldal ko na ba?

Naalala ko lang talaga to after reading this article from Prescott.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s