pny

Goodbye, PNY [A Thank You Blog Post]

It’s difficult to say goodbye to someone who helped you a lot. 

I’ve been a PNY writer since 2014, when it all started. I’ve been the founder’s friend since I don’t-exactly-know-when. All I know is that I care for her and that’s the main reason why I said yes when she asked me to include Agape on the first book anthology of PNY. I can still remember that it’s the first book signing I’ve attended. Naganap yun malapit sa fountain sa tabi ng MoA seaside. Nakakatuwa lang pag naalala ko. Nakaka-miss. 

Just last Saturday, nagkita-kita kami ulit at hindi ako nagsisisi na naging parte ako ng grupong ito. I can feel that this group is not just a mere group of people writing but a family. Sobrang ramdam ko kung gaano katindi yung passion nila sa pagsusulat at kung gaano sila kadeterminado sa ginagawa nila. At para sa akin, sobrang sarap makatagpo ng ganong mga klase ng tao.

Marami akong natutunan dahil sa grupong ito. Sa loob ng mahigit dalawang taon, dahil sa tulong ni Nayin, ay muli akong nakasulat ng isang maikling nobela. Isang maikling nobela na alam kong kahit papano ay matatandaan ng kung sino mang makakabasa rito.

Marami akong nakilalang kagaya ko na naghahangad na makabuo ng kwentong tatatak sa isip at puso ng mambabasa. 

Dahil sa PNY, naging parte din ako ng isa pang English anthology na ilalabas namin ngayong December 30. Bukod dun, sa kauna-unahang pagkakataon ay maghahabi rin ako ng kwentong Ingles sa susunod na buwan na kasama pa rin ng Anthology book na nasalihan ko. Bagay na hindi ko alam kung paano ko tatapusin pero gusto kong simulan.

Hindi ako magaling. Malayo pa ako dun. Kahit na ilang taon na akong nagsusulat, wala pa rin akong bilib sa sarili ko. Kahit na sinasabi ng asawa ko lagi sakin na magaling ako, may parte pa rin sa puso kong naniniwala na marami pa akong dapat matutunan.

At tama ako. Marami pa akong hindi nalalaman. Marami pa akong dapat pag-aralan.

I should not stop writing. 

I should not give up. 

PNY, thank you. 

And goodbye.

I believe we’ll see each other again. 

❤️

Advertisements